Patakaran sa Pagkapribado

Ang Ingham Institute ay nakatuon sa pagtataguyod ng Pambansang mga Alituntunin sa Pagkapribado na nakapaloob sa Batas sa Pagkapribado 1988 (Commonwealth) at Batas sa Pagsusog ng Pagkapribado (Pagpapahusay ng Proteksyon sa Pagkapribado) 2012 (Commonwealth).

Kinikilala ng Institute na maaaring maging alalahanin ang seguridad. Kung pipiliin mong gamitin ang website na ito, sisikapin naming itabi ang iyong personal na impormasyon nang ligtas at iingatan ang mga ito laban sa maling paggamit, pagsisiwalat, pagbabago o pagkasira. Gayunman, ang Institute ay hindi maaaring magbigay ng lubos na katiyakan hinggil sa seguridad ng personal na impormasyon at hindi ito mananagot para sa anumang paglabag sa seguridad o anumang di-sinasadyang pagkawala o pagkabunyag ng impormasyon.

Lahat ng makatwirang mga pagsisikap ay ginawa upang matiyak ang katumpakan at pagiging maaasahan ng impormasyon na nakapaloob sa website na ito. Sa kasong sinusundan mo ang mga link sa iba pang mga website mula sa website ng Institute, mahalagang malaman mo na ang ganitong mga link ay hindi napapailalim sa katulad na mga patakaran sa pagkapribado at mga pagbabawal na nakabalangkas sa Ingham Institute Privacy Policy. Mangyaring basahin ang anumang mga dokumento ng patakaran o mga takda at mga kondisyon na makikita sa naka-link na mga website bago magsiwalat ng anumang personal na impormasyon.

Ang impormasyon para sa mga proyektong pananaliksik sa kalusugan na isinasagawa sa Ingham Institute ay hindi saklaw ng patakarang ito sa pagkapribado. Bawat proyekto ng pananaliksik ay may sarili nitong pagsang-ayon sa etika ng tao, mga pamamaraan at mga patakaran na mamahala sa mga proyekto.

Maaaring baguhin at ibahin ng Institute, nang walang abiso, ang On-line na Pahayag ng Patakaran sa Pagkapribado (On-line Privacy Policy Statement) na ito sa pamamagitan ng pag-upload ng sinusugang Pahayag sa website na ito.

I-klik lamang dito upang makita ang kopya ng Patakaran sa Pagkapribado.

Pangangalap ng Impormasyon

Paminsan-minsan ay maaaring mangalap ang Ingham Institute ng personal na impormasyon mula sa mga taong kalahok sa o konektado sa mga operasyon at aktibidad ng Institute. Kasama dito ang, ngunit hindi limitado sa, mga seminar at mga pagtatanghal, mga proyektong pananaliksik, mga gawain para sa pangangalap ng pondo, mga paglalakbay, taunan at pang-komunidad na mga kaganapan.

Ang impormasyon ay kokolektahin sa anyong nakabatay sa web, kung saan ang mga gumagamit (users) ay aabisuhan na ang impormasyon ay kinokolekta. Ang nakalap na impormasyon ay ang minimong kinakailangan para sa epektibong pamamahala ng kaganapan o aktibidad ng Institute at maaaring kabilang dito ang personal na mga detalye, ang mga detalye ng kontak at tirahan, telepono at mga email address. Kung kinakailangan, ang ilang impormasyon sa pananalapi ay maaari ring isama.

Habang gagawin ng Ingham Institute ang lahat ng mga makatwirang hakbang upang matiyak na ang personal na impormasyong nakolekta at gagamitin ay tumpak, kumpleto, at pangkasalukuyan, ang kawastuhan ng impormasyong ito ay nakasalalay sa ibibigay mong impormasyon. Para matulungan kaming panatilihing pangkasalukuyan ang iyong personal na impormasyon, mangyaring ipaalam sa amin ang anumang mga pagbabago sa iyong personal na mga detalye.

Pagtatabi ng Impormasyon at Pagproseso

Maaaring gamitin ng Ingham Institute ang mga panlabas na tagapagpaubaya ng serbisyo sa computer (external computer service provider) na nag-iimbak ng datos para sa Ingham Institute sa kanilang mga server sa computer.